16 January 2012

Lovi Poe waits for Ronald Singson to reach out to her


 Although she’s happy that former congressman Ronald Singson has been released from the Hong Kong jail, Lovi Poe seems to be biding time to catch up with him.
“I’m sincerely happy na he’s back. Finally nakasama na niya ‘yung pamilya niya. I’m sure na matagal niyang inantay ‘yung moment na ito. Masaya ako, masaya ako para sa kanya,” Lovi initially said on “Showbiz Central,” Jan. 15.
But reaching out to him is something that Lovi is not keen on doing.
“Now, kasi, like how I said kanina, I just wanna block it off kasi sobrang focus na ako sa trabaho ko ngayon. ‘Yun lang muna ‘yung iisipin ko, although I’m happy that he’s here,” she said.
“Wala, I’ll just wait for that moment. I won’t do anything na maauna ako. Kumbaga, ako naman. Mag-aantay na lang ako dito. Basta, all that I’m thinking now…masaya  na ako na he’s with his family,” she explained.
With Ronald’s release from jail, “at least wala na akong pinoproblema at the back of my head. Doon okay na ako. Masaya na ako. I can truly really go on na.”
Lovi recalls her experience when she visited Ronald at the Hong Kong jail during his birthday.
“It’s kinda weird nga. Parang until now hindi ako makapaniwala. Para siyang nasa movies. May glass na nakapagitan sa inyong dalawa. Hindi mo mahawakan ‘yung tao tapos thirty minutes lang ‘yon. Binati ko siya ng ‘happy birthday.’ I just wanted to see how he was doing. I mean, I may have received a lot of flowers and letters pero iba pa rin kasi ‘pag nakita mo ‘yung tao, kung kumusta siya.”
Despite the situation, the actress feels, “In my head alam kong lalabas din siya soon. A lot of us naman, it’s not just me, are looking forward sa time na dumating nga ‘yon.”
She admitted that upon seeing Ronald get off the plane on Jan. 14, she felt, “Parang… after so long… there’s a time kasi I have to block everything off.  I have to say, ano lang din naman ako, tao lang din naman ako. There are times na kailangan mong i-block off ‘yung mga masasakit na nangyayari sa iyo para makapag-move forward ka. Thankful nga ako dahil ang daming magandang nangyari sa akin last year. Parang nawala lahat nu’ng effort ko nu’ng pag-block off nu’ng moments na ‘yon because I’m not so good at it, blocking him off in my mind. And now that he’s back, it’s just like, ‘okay’. Wala. Masaya ako but then we’re back here again.”
All along, Lovi says, “Hindi naman nawala ‘yung suporta ko sa kanya kaya ‘yung saya ko na lumabas siya, eh, hindi ko naman talaga maitatago ‘yon.”
It was mixed emotions for the actress when he saw Ronald a free man again.
“Mahirap kasi. It’s like one thing na…alam mo ‘yung feeling na nakasama mo for a while tapos biglang nawala. Hindi mo maiwasan na magkaroon ng iba’t ibang maramdaman. Hindi lang na-miss ‘yung naramdaman ko. Hindi lang miss…marami. Kumbaga, imadyinin mo na lang ‘yung mga pinagdaaanan ko. Hindi ko ma-explain. It’s so hard to explain.”
Among the lessons Lovi learned during her separation with Ronald was finding herself.
“Nakabuti talaga siya because nahanap ko din ang sarili ko, ‘yung that time alone [na] sarili ko lang ang iniisip ko. Marami din akong nadiskubre. Sa akin ang daming pagbabago. Kumbaga, I can say that I’ve grown already in some ways. I’ve grown a lot.”
She admitted she has not gotten in touch with Ronald since his release but she’s glad about his message for her in an interview.
“It’s so nice ‘pag naa-appreciate ng isang tao ‘yung ginawa mo for him. Lalo na ‘yon. He went through a hard time also. I believe that I have my own share din naman. Ang sarap lang ng pakiramdam na na-appreciate din niya ‘yung bagay na ginawa ko. Pero never ko namang hiningi ‘yon sa kanya pero nagpapasalamat siya kaya thankful din naman ako.”
“I don’t know, honestly,” she said when asked where her support was coming from. “I’m very spontaneous kasi. I don’t know kung saan nanggaling. Probably siguro baka nga sa pinagsamahan namin noon.”
She then explained, “It’s hard to see someone kasi go through a tough time. Ayoko kasi na nawawala na lang, [na] nandiyan ka lang ‘pag masaya. Masarap kasi na may kasama ka while you‘re going through it. I just wanted to show him that. May mga tao naman na gano’n and it wasn’t just me.”
The show also reported on Ronald’s first few hours as a free man.
“Masaya. Masaya na malungkot kasi ‘yung anak di ano, parang ‘di nakilala agad. Kung ano man ang nangayari sa kanya mabuti na rin. Nakaganda rin sa kanya dahil nagkaroon ng pagkakataon na makilala ang sarili niya,” Governor Chavit Singson said in the interview.
Ronald related his experience while inside the Hong Kong cell.
“It was hard,” he mused aloud. “It was very difficult. Physically hindi gaano. Siguro suwerte na rin na nangyari ito sa Hong Kong dahil they have a very good penal system. Ang mahirap lang talaga is emotional at mental torture na nangyari.”
He admitted that he “went through a period of depression.”
But he added, “siguro ang isang mabuting nangyari nga is napalapit tayo sa Diyos.”
He explained why his sentence was shortened by citing the particulars of the judicial process being followed in the former Crown Colony.
“First and foremost, kaya tayo umamin o nag-plead ng guilty dahil doon sa judicial system ng Hong Kong I think it’s their way of declogging ‘yung judicial process para hindi masyadong maraming kaso. Kung guilty ka, kung umamin ka, babawasan nila ng one third kung anuman ‘yung sentensiya mo.  Kung hindi, you will have to serve the full sentence or you will have to bear the full wrath of the law. During the service of your sentence, if you have good behavior, another one third ‘yon.”
He clarified rumors that he felt sad that a lot of his friends abandoned him during this trial. It was rumored that he felt sorry that his friend and business partner Jomari Yllana turned his back on him.
“Hindi ko alam kung ano ang mga balitang lumalabas dito dahil siyempre limited ‘yung news na dumarating sa akin. As far as I’m concerned habang naka-bail ako, habang ongoing ‘yung trial, dumalaw siya sa akin sa Hong Kong. Wala kaming alitan. Ni-request ko na sa pamilya na kung puwede pakiusapan na lang ‘yung mga kaibigan ko na kung gusto nilang dumalaw ay ‘wag na lang dahil nahihiya rin ako na makita nila ‘yung sitwasyon kong ganoon.   Wala, wala akong sama ng loob sa mga kaibigan. Pasalamat na lang ako sa kanila sa kanilang patuloy na pagsuporta.”
Now that’s he’s free again, Ronald will try to make time for his family.
“Siguro iko-concentrate ko na muna sa pagtulong sa pamilya, dito sa mga negosyo ng pamilya na medyo napabayaan din. ‘Yung concerts, that I will have to look into. Napag-usapan kasi namin ng aking ama. Dati kasi may production company ‘yung lola ko. Nagpo-produce sila ng films. Siguro pag-uusapan namin ng mga partners ko doon sa production kung makapag-produce kami ng pelikula. Parang tulong na rin sa industriya dahil madami din naman tayong kaibigan sa showbiz.”
Now that his tribulations are over, he feels that “I have to prove something to everyone. I’ll use this experience to motivate myself to do something better, to make my life better and to make myself a better person. I hope mapagbigyan nila ako na patunayan ang sarili ko at mapabuti ang aking personal na kalagayan.”
Meanwhile, he admitted, “Hindi pa kami nag-uusap. The last time na nag-usap kami is noong dumalaw siya noong birthday ko. I don’t know. Ten months is ten months. Ang dami na ring nangyari. Kailangan naming mag-usap. Siguro kung anuman ‘yung mapag-usapan namin, I’ll keep it private for now.”
In the end, he thanked the Kapuso actress for all her support while he’s in jail.
“Thank you again for all the support that you’ve shown, all the support that you’ve given me especially noong ako’y nawala, especially noong birthday ko dumalaw siya. For the letters, for all the support, thank you very much.”
“It was in July 2010 nang pumutok ang balita ng pagkakaaresto sa dating Ilocos Sur congressman.  Matapos itong mahulihan ng 6.67 na gramo ng cocaine at ilang tablet ng valium sa Hong Kong airport. After pleading guilty sa mga kasong possession of illegal substances (ay) ibinaba ng hukuman ng Hong Kong ang sinentensiyang labing walong buwang pagkakabilanggo kay Ronald noong February 24, 2011. Mahigit sampung buwan matapos ang hatol na ito opisyal na siyang pinalaya ng Hong Kong prison at  pinayagang makabalik ng bansa kahapon,” reported “Showbiz Central.”
“According to sources, nakalaya si Ronald mula sa kulungan around 2:30 p.m. kahapon at  dumiretso kaagad ito sa airport for a flight back to Iocos Sur. Lumapag ang chartered plane na sinakyan ni Ronald at ng ama nitong si Governor Chavit Singson sa Vigan airport at around 5 p.m. kung saan sinalubong ito ng kanyang pamilya, malalapit na kabigan at kababayan.”
A Thankgiving mass was held at Singson’s house right after Ronald arrived.
By ALEX VALENTIN BROSAS
mb.com.ph

Read more...

0 comments:

  © Free Blogger Templates 'Greenery' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP