17 March 2012

DOT official reacts on 'Why I Dislike The Philippines' video


The Department of Tourism (DOT) is not at all bothered by a video on YouTube in which an American rattled off reasons for disliking the country.
“Sa gitna ng kampanya ng Department of Tourism na ‘It’s More Fun In The Philippines,’ isang video ang kumakalat ngayon sa internet na gawa ng isang banyagang lalaki na may titulong ‘20 reasons why I dislike the Philippines.’ Meron na itong mahigit 300,00 views,” a report on “24 Oras” said.
“Sa video, nagpakilala ang isang Amerikanong si Jimmy Sieczka na ilang taon daw na nanirahan sa Cebu. Ipinakita niya ang mga ikinairita daw niya sa Pilipinas tulad ng mga lubak daw sa mga kalsada, mga comfort room na walang tissue paper at tubig,” the newscast said, adding, “Hindi naman ito ikinabahala ng DOT.”

Reacting on the video that went viral, Asec. Benito Bengzon, Jr. of DOT said, “Kaya ko ring magbigay ng dalawampung dahilan, 200 reasons or 2,000 reasons kung bakit masaya dito sa Pilipinas.”
The news, however, noted, “Iba-iba naman ang sentimyento ng mga nakakita ng video.”
One female college student felt that, “Nakakahiya rin po kasi kapag sinabi nilang comfort room tapos may papasok na ibang mga tao lalo na ‘pag sikat tapos ganoon ‘yung room…nakakahiya po.”
Another female student was seemingly agitated by the negativity of the video.
“Naiinis ako kasi siyempre dapat hindi negative. Hindi lang naman ang Pilipinas ang may ganoong place, ibang bansa rin. Parang kasiraan sa Pilipinas [ang video],” she explained.
“Titingnan daw ng DOT ang mga punang ito para maayos at mas mapaganda ang bansa,” the report said.
Asec Bengzon expressed willingness to meet Sieczka to explain some things.
“[Ang] mas maganda diyan makausap siya bago natin sabihin na kailangan siyang mag-apologize. Siguro [ang] maganda diyan [ay] kausapin [siya]. Kausapin namin [siya] sa DOT. Tingnan namin kung ano ba talaga ang pakay niya, ano ba talaga ang gusto niyang ilabas. At kami naman, handa naman kaming magpaliwanag,” Bengzon said.
“Sa ngayon ay tinanggal na ang video ng ‘Why I Dislike The Philippines’ ng nag-pose nito sa Youtube. Kibit-balikat din ang Palasyo. May karapatan daw ang bawat isa na magpahayag ng gusto nilang sabihin.”
Presidential spokesperson Edwin Lacierda seemingly brushed off the American’s comment about the country, saying, “Each and every person who comes here and there’ll be things that he will not like. There’ll be things that a tourist would like in the Philippines.”
“Isa pa ang nasa likod daw ng video blog na ito ay minsan na ring  nag-upload ng video naman na ang pamagat ay ‘20 reasons why I love the Philippines.’ Dalawang ibang lalaki naman ang bumida sa video na ito at kanila namang inisa-isa ang mga bagay na kinagigiliwan nila sa Pilipinas tulad ng pagkahilig ng Pilipino sa basketball, gayundin ang pagkamalikhain ng Pinoy pati na ang hilig at galing ng Pinoy sa pagkanta.”
By ALEX VALENTIN BROSAS 
mb.com.ph

Read more...

0 comments:

  © Free Blogger Templates 'Greenery' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP